Monday, February 29, 2016

Pagsulat ng Komposisyon



Sa anumang anyo ng sulatin, ang unang-unang pinag iisipan ay ang papaksain. Ang paksa ay ang isang ideyang matalinong pinauunlad sa pamamagitan ng mabibisang pamamaraan ng pagtalakay. Pinakapipili ang paksa ayon sa interes, kaalaman at karanasan ng magsusulat. Datapwat, dapat isaalang-alang din ang babasa, kaya kailangan ito’y maging kaakit-akit at kapaki-pakinabang sa kanya para pag ukulan ng panahong basahin, lalo na ng madla, ay iyong may malaking kaugnayan sa pang araw-araw na buhay. Iyong tungkol sa mahahalagang bagay na kawili-wili at napapanahon. Iyong tungkol sa mga pakikibaka ng tao sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan, sa lahat-lahat.

Kapag napili na ang pakasa, ang pangalawang pag-iisipan ay ang pagtalakay na rito. Siyempre, kalakip rito ang layunin sa pagsulat – magbigay ng impormasyon, mang-aliw, manghikayat, mambatikos, atb. Pero sa isang komposisyon, tama na ang isang layunin. Pagpasyahang mabuti ang iaanyo sa pagtalakay – paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan o pangangatwiran. Kailangang bumagay ito sa layunin sa layunin, gayundin sa paksa. Saka ngayon simulan ang pagsulat.

No comments:

Post a Comment