Abakada
Ang
Abakada ay ang isinakatutubong Alpabetong Latino ng mga wika ng Pilipinas. Ito
rin ang orihinal na alpabeto ng Wikang Pambansa Batay sa Tagalog o Wikang
Pambansa . Ito ay naglalaman ng 20 titik.
Kasaysayan
Bago
dumating ang mga Espanyol, ang karamihan ng mga wika ng Pilipinas ay sinusulat
na gamit ang talapantigan ng Baybayin. Ang mga Espanyol ay ipinakilala ang
Latin na Panitik sa Pilipinas. Noong unang kalahating bahagi ng ika-20 na
siglo, ang mga Pilipinong wika ay sinusulat na gamit ang Palabaybayang Kastila
( Ortograpiyang Espanyol ). Si Dr. Jose Rizal ang unang nagmungkahi sa
pag-indihenisado ng pagsulat sa Pilipinas. Noong ipinakilala ang Wikang
Pambansa Batay sa Tagalog , ang mambabalarilang si Lope K. Santos ay gumawa ng
bagong alpabeto na binubuo ng 20 na titik. Ito ay ginamit sa mga pamaaralang
libro sa balarilang tinatawag na balarilà . Ang abakada ay naging
alpabeto ng wikang Tagalog at ng Wikang Pambansa na Batay sa Tagalog ayon sa
mungkahi ng pagsasakatutubo ni Rizal. Sinalaunan, ang abakada ay ginamit na rin
sa mga ibang wika ng Pilipinas..
Mga titik ng abakada:
No comments:
Post a Comment