Showing posts with label FIL3. Show all posts
Showing posts with label FIL3. Show all posts

Monday, February 29, 2016

Pagsulat ng Komposisyon



Sa anumang anyo ng sulatin, ang unang-unang pinag iisipan ay ang papaksain. Ang paksa ay ang isang ideyang matalinong pinauunlad sa pamamagitan ng mabibisang pamamaraan ng pagtalakay. Pinakapipili ang paksa ayon sa interes, kaalaman at karanasan ng magsusulat. Datapwat, dapat isaalang-alang din ang babasa, kaya kailangan ito’y maging kaakit-akit at kapaki-pakinabang sa kanya para pag ukulan ng panahong basahin, lalo na ng madla, ay iyong may malaking kaugnayan sa pang araw-araw na buhay. Iyong tungkol sa mahahalagang bagay na kawili-wili at napapanahon. Iyong tungkol sa mga pakikibaka ng tao sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan, sa lahat-lahat.

Kapag napili na ang pakasa, ang pangalawang pag-iisipan ay ang pagtalakay na rito. Siyempre, kalakip rito ang layunin sa pagsulat – magbigay ng impormasyon, mang-aliw, manghikayat, mambatikos, atb. Pero sa isang komposisyon, tama na ang isang layunin. Pagpasyahang mabuti ang iaanyo sa pagtalakay – paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan o pangangatwiran. Kailangang bumagay ito sa layunin sa layunin, gayundin sa paksa. Saka ngayon simulan ang pagsulat.

Abakada



Abakada
Ang Abakada ay ang isinakatutubong Alpabetong Latino ng mga wika ng Pilipinas. Ito rin ang orihinal na alpabeto ng Wikang Pambansa Batay sa Tagalog o Wikang Pambansa . Ito ay naglalaman ng 20 titik.

Kasaysayan
Bago dumating ang mga Espanyol, ang karamihan ng mga wika ng Pilipinas ay sinusulat na gamit ang talapantigan ng Baybayin. Ang mga Espanyol ay ipinakilala ang Latin na Panitik sa Pilipinas. Noong unang kalahating bahagi ng ika-20 na siglo, ang mga Pilipinong wika ay sinusulat na gamit ang Palabaybayang Kastila ( Ortograpiyang Espanyol ). Si Dr. Jose Rizal ang unang nagmungkahi sa pag-indihenisado ng pagsulat sa Pilipinas. Noong ipinakilala ang Wikang Pambansa Batay sa Tagalog , ang mambabalarilang si Lope K. Santos ay gumawa ng bagong alpabeto na binubuo ng 20 na titik. Ito ay ginamit sa mga pamaaralang libro sa balarilang tinatawag na balarilà . Ang abakada ay naging alpabeto ng wikang Tagalog at ng Wikang Pambansa na Batay sa Tagalog ayon sa mungkahi ng pagsasakatutubo ni Rizal. Sinalaunan, ang abakada ay ginamit na rin sa mga ibang wika ng Pilipinas..

Mga titik ng abakada: 
 

Anekdota



Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
 
 Ang karaniwang paksa ng anekdota ay mga taong kilala sa iba’t ibang larangan ng buhay. Layunin nito ang ipabatid ang isang katangian ng pangunahing tauhan ng anekdota. Minsan ang anekdota ay nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mayroon ding minsan na ang mga pangyayari ay bungang isip lamang. Mayroon ding mga anekdota na hindi hango sa talambuhay.

Ang mga pangyayaring isinasalaysay sa anekdota ay minsang nagiging pabula na rin, ngunit dahil sa ang mga tauhan ay hindi hayop kundi mga tao, ito’y kapanipaniwala na rin. Ang layunin ng anekdota ay mang-aliw, makapagturo, at makapaglarawan ng ugali at tauhan.

FIL3