Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang
dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging
sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating
na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga
yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng
tao.
Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang
sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao
noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi
ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa
bangka sa ilog.
May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara,
isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at
iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak.
Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si
Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang
nakikilalang magulang.
Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang
taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari.
Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi
niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng
sultan ng : mahal na mahal ka sa akin. Hindi pa rin nasisiyahan ang
magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan:
Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa
akin? Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa
iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Nag-alala ang sultana
na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't
karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin anh
kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.
Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay
higit na maganda kaysa kay Lila Sari.
Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano
ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim
na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan.
Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa
kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag
araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at
hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari.
Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.
Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa
araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol
kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka
tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang
palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.
Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat.
Nakita niya ang isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid.
Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid.
Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si
Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan
Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan.
Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap
siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila
Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa
palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging
reyna.
Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga
magulang ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat.
Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang
pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak
ng sultan at sultana ng Kembayat.
Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari.
Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari
sa kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga magulang
kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si
Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa
sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha.
Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari.
Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay
isa palang tunay na prinsesa.
Best Online Casinos in Canada
ReplyDeleteOnline casinos 메리트 카지노 조작 are everywhere in 188bet Canada. Best Online 온카지노 사이트 Casino List 2021, Canada's Best หารายได้เสริม Casino Games, Top 솔카지노 Canadian Casinos with Bonuses.